Day Off

Today no coffee has been drunk but a lot of conversations was made. My life is hard as it always been I have rant more than I know I could but still I was blessed to have a family.

Sarap mag day off.  Kung may tatlong araw kang bakante minsan mas cool tumambay sa bahay manuod ng movie kasama ang kapatid mong babae at sabay kayong kiligin sa mga batang love teams ngayon. Magandahan kay Kathryn Bernardo at sabay mag sabi ng Ayyy!!!! Masarap mag puyat sa huntahan, na parang ang bawat salita at kwento ay may kaakibat na kasunod, cool masabihan ng pangit ng tatay mo dahil masasabing mong “Ganun tlaga mana ako sayo,”. Ang matulog ng tanghali sa sofa, gisingin ka ng nanay mo  para pag sabihan na buhay pa ang tv pero nilalagayan ka naman ng electric fan. Ang mag sabi ng “Pasalubong ha!” sa magulang mong sabay mamalengke. At matuwang parang bata dahil binili nila ang gusto mong kainin sa araw nay un. Masarap itago ang gamit ng kapatid mo, at tumawa ng tumawa habang aligaga nyang hinahap yun, mabato ng unan at mahaplit ng kumot, pero tawa ka pa rin ng tawa kasi hindi nya talaga makita. Masarap utusan si bunso ng bumili ng kahit anu sa tindahan at buo nyang ibabalik sayo ang tamang sukli. Mag hahati kayo sa juice at tsitserya, habang kinukwento nya ang adventures nya sa school kapag patalastas  tapos hindi mo na uli makausap o mapa ibo kapag palabas na  ang teleseryeng sinusabaybayan nya sa hapon.  Ang makipag huntahan sa kapatid mong lalaki tungkol sa buhay at sa mga tao sa loob ng pamilya nyo, na kahit mahirap naiintindihan nya ang sitwasyon mo. Halos parehas kayo ng problema, pero nakaka tawa pa din sya at matatawa ka din sa mga kwento nya kung panu nya pinagtatawanan ang mga katrabaho nya., masarap sa pakiramdam na pinakakikinggan ka at sinusunod. Na kahit papano kung anu man ang umiikot sa utak mo ay binibigyan ng pag papahalaga ng mga taong gusto mong mag bigay pag papahalaga sa mga yun.

Mahirap mabuhay, masarap mangarap ng malalaking bagay pero mas madali mag reklamo sa kung anu man ang sitwasyon ng buhay mo ngayon  pero sabi nga “The best  things in life are free.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s